ligawan
may kaibigan akong nagigising ng maaga para pumunta ng dangwa sa manila tapos bibili ng bulaklak tapos ihahatid sa mahal nya na nakatira sa quezon city. yan ang magandang good morning para sa isang taong nakatira sa pasig.
may kaibigan naman akong nagigising ng maaga para maagang makapasok sa opisina at para maaga ring makauwi sa hapon tapos susunduin nya yung mahal nya para maihatid sa paranaque pag gabi. yan ang magandang good evening para sa isang taong taga fairview.
tapos tinanong mo ko, kung bakit hindi ko ginagawa to. mga munting bagay na nagpapangiti sa nililigawan mo.
kanya-kanyang paraan yan. ang sa akin naman, hindi ako ganun ka die hard sa hands-on ligawan. hindi ako naniniwala sa ligaw. dun ako sa sparks. instant attraction.
mas pinagtutuunan ko ng pansin yung personal development ko, as a man for others, and as a man for myself. hinahanda ko ang sarili ko para sa mamahalin ko habambuhay, para pag dumating sya, alam kong worthy ako sa paningin nya. kasi buo yung katauhan ko. kasi kahit papano may character akong ipapakita. hindi ako pwede sa doe-eyed pacute, effort na sa akin magsinungaling.
ayoko ng babaeng tumatambling sa rosas o natutunaw sa chocolate. gusto ko ng babaeng independent at strong-willed. hindi naman sa puntong wala ng puso. gusto ng babaeng matalino at alam ang gusto. gusto ko ng babaeng hindi naniniwala sa ligaw.
gusto ko kang-kang agad. nasa panahon na tayo na hindi na dapat binibigyan ng malisya o makamundong bahid ang pagtatalik. para sa akin, kung pareho kayong hubad wala na kayong maitatago. katotohanan na ang lahat. sa experience ko, we are most honest right after sex.
pero ayoko naman ng manyak. may favorite movie din naman ako. at favorite color. pwede natin pag-usapan yun.
naku anlayo na naman ng narating ng makating dila ko. pasensya ka na. pasensya narin kung di ko kayang gumising ng maaga para mabigyan ka ng rosas mula sa dangwa, hindi ako mahilig mag good morning. pasensya na rin kung di kita hinahatid sa gabi, hindi rin ako mahilig mag good evening.
pasensya na rin, pero hindi ko ihihingi ng pasensya ang pagkatao ko. hinubog ko kasi ang sarili ko para sa yo. para hindi lang good morning o good evening ang makukuha mo, kundi good life.




hey! i heard this personally from u….. hmmmm 1st time to hear this from a guy ha..
good luck joeyboy! God bless
i am said this on April 24th, 2007 at 8:45 am
Waaahhh! Hahaha.
markku said this on April 24th, 2007 at 12:32 pm
hmm…tricky. ayoko rin ng damsel in distress, hate them actually. di ko aasahan na may bulaklak ako araw-araw o ihahatid ako sa bahay gabi-gabi kahit sa magkabilang dulo ng metro manila kami nakatira.
pero ok lang din, kung kapag bertdey o balentaym may bulaklak ako, o kaya pag gumimik at lasing ako o kaya’y nagdate kami, ihatid ako sa bahay ko kahit 2x a month. hehe. pasensya na joey, napaisip din ako. hehe.
sam said this on April 24th, 2007 at 8:27 pm
being a man-for-others means you think of others while being a man-for-myself means you think of yourself (obviously). you cannot be self-”LESS” and selfish at the same time.
wala lang…
Marcvill said this on April 24th, 2007 at 9:26 pm
hahahaha nice one joey.
minsan minsan lang sa mga lalaki ang gusto ng strong willed women. ang iba natatakot. hehe.
nyss said this on April 25th, 2007 at 2:02 am
hi joey. i’m slowly moving to http://sinnernsaint.wordpress.com. =) trying to write again. ciao! lina says hi.
mish said this on April 25th, 2007 at 7:02 pm
iam! hello! waw tnx for dropping by.
markku, dangwa? hehe
sam, ok lang yan, ang baabe, babae parin dapat. hindi naman ibig sabihin na dahil hindi akomahilig mamigay ng bulaklak ay ipagkakait ko na yung pagkakataon na makapagbigay ng bulaklak.. surprises na dapat yun
marcV, hmm it can actually happen at the same time, but we have to take it at the context of “being a man” and all the grand things that come with it.. selfishness is not a part of it.
nyss, haha kaya lagi kong sinsabi sa mga babae, wag nyong pipigilan ang mga kakayahan ninyo, wag kayong matatakot na baka wala nang pumatol sa inyo, kasi sigurado ako, ang taong pipiliin kayo ay yung mga may prinsipyo na lagpas pa sa inakala nyo.
mish, oi! hi din sa kanya
jobarclix said this on April 26th, 2007 at 3:56 am
are you sure that it’s honesty or a mere showing of one’s true colours? sometimes it helps na may konting ligawan para makaramdam ng romance na kadalasang nalilimutan pagkatapos ng, er, romansa.
di na maaalis sa dalagang pilipina ang maging, well, dalagang pilipina.
Sasha said this on April 26th, 2007 at 2:58 pm
its better if at the start ur honest with the girl na.. lalo na pag nanligaw pa.. ako, im a type of girl na hindi talaga hinangad ang anumang rosas o chocolates except cguro kung may okasyon. … sa experience ko with my past 4-year boyfriend, from the courtship to the 1st year of the relationship, ala princesa ako. sundo at hatid talaga.. (libre na ako sa transpo diba?HEHEHE) tapos ang layo pa ng bahay namin.. may flowers at pagkain din cya binibigay kahit walang okasyon… pero after a year bigla cyang nagbago. puro pa impress lang pala yon, ayaw daw nya na parang na obliga na cya.. ako naman kahit napaka independent ko before naging kami, tuloy na sanay ako sa mga ginagawa nya… so naging malaking issue sa amin ang pag babago nya, hanggang nag hiwalay kami … SO MAS OK KUNG SA SIMULA WALA NALANG MGA PA IMPRESS DIBA?
aya said this on April 26th, 2007 at 6:31 pm
sasha, of course flowers and chocolates should still be there, ayoko rin namang mawala yun. ok din yung traditional dalagang pilipina, pero id go for the “makabagong dalagang pilipina”
aya, mas ok talaga! kasi yung babae magpapacute nalang din lagi para lagi syang bigyan ng things.. hehe
jobarclix said this on April 26th, 2007 at 8:04 pm
tumpak! hehehe
aya said this on April 26th, 2007 at 9:59 pm
clap, clap! mas matino ka pakinggan kesa sa mga lalaking nangangakong ibigay ang mundo sa babae, pero biglang nawawalang parang kulangot matapos ang gabing puno ng romansa.
In english: you are as brutally frank and delightful as simon cowell.
from an independent and strong-willed woman (who still likes roses and chocolates kahit Goya or Serg man lang…with crunch ha)
witerary said this on April 27th, 2007 at 3:34 am
joey, kung di ko nababasa ung iba mong entries, siguro maasar ako sa entry na to.pero, parang tama ka rin eh.this actually makes a lot of sense.at mejo totoo nga ung pinagsasabi mo dito.
golda said this on April 28th, 2007 at 10:37 am
sir, makikibasa lang.
testes said this on April 29th, 2007 at 7:10 am
jojie! simon cowell ba? hehe oo gusto ko yung mga strong willed women na kumakain ng serg..
golda, naku lawyer. hehe. i know youll agree.
testes, dude ambantot ng nickname na to pero rak. tambay lang.
jobarclix said this on April 29th, 2007 at 10:45 am
ganda ng bawi sa huli ah. good life. good ending
musta na joey? sana masaya ka ngayon.
clare said this on May 3rd, 2007 at 9:18 am
more often than not, people associate it to morality.
but for me, if you are happy, it is moral- basta’t wala kang tinatapakan.
yung ligaw sa kin is yung you give me a mental tug-of-war and i have to do the swan dive. very exciting.
if you like me and i like you (which means anjan ang qualities na gusto natin) and there’s a “sexual” attraction between me and you, we can do what we “both” like doing.
whether we’ll fall into a commitment or we’ll fall out, it’s one of the realities we have to face.
musta buhay-buhay, joeyboy?
rowena said this on May 5th, 2007 at 9:21 am
clare, musta campaign?
rowena, go ahead, im listening.. mukahang marami kayong gustong sabihin sa entry na to hehe
jobarclix said this on May 7th, 2007 at 6:15 am
“gusto ko kang-kang agad”…teng, natawa ako todo…hahaha!
tet said this on April 10th, 2008 at 12:13 pm
tet, animas dugay na ni kaayo mabulabog ta hehe gudboy na ko karon
jobarclix said this on April 10th, 2008 at 2:14 pm
“an honest answer is like a kiss on the lips.”
Bart said this on February 13th, 2009 at 3:33 am