pagbabalik, pagbabago, pagpapatuloy
waw. antagal ko din nawala. sensya na, medyo naging busy sa buhay-buhay. medyo nag muni muni ako ng matagal, kasi ilang araw nalang 28 na ko. tulad nyo, madami din akong tanong sa tadhana. tulad ng bakit ipinagkait sa akin ang pakikipag relasyon kay claudine barretto o kristine hermosa. o kung bakit ako naglalakad sa c5 samantalang naka getz yung iba. o kung bakit ako may bagong laptop at walang kinakain ang iba. mga ganun.
salamat sa sobrang kakatitig ko sa mga cracks sa kisame, naisip ko na ang sekreto sa habambuhay na kaligayahan ay yung ipamahagi sa iba ang aking mga nalalaman sa buhay. transcendence ba, kung heirachy of needs pag uusapan.
kaya eto nagbabalik ako, dala ang panibagong pag-asa, at magpapatuloy sa pagpapaganda ng buhay. naks. heavy.
ayan, binago ko na tagline ko. pagod na kong magsenti at mag astang mayaman at mag astang kung anu-ano pa. eto, oo, papatulan ko na. hari na ng small talk kung ganun.
sa lahat ng mga hindi pa nawawalan ng pag-asa sa buhay, para sa inyo to. sa lahat ng nalulungkot, sana’y ito maging paraan para mapangiti kayo. sa lahat ng mga tarantado, manyak at kurakot sa gobyerno, sana makapulot kayo ng panibagong pananaw dito. na sana maging tarantado, manyak at kurakot kayo para sa bayan.
and to all the girls ive loved before, humanda kayo. hehe loko lang.




Welcome back! Sana tapos ka na po mag-emote!
Aileen said this on June 4th, 2007 at 7:15 am
hi aileen, opo tapos na ko mag emote. may nagwasak na naman kasi ng puso ko. ayun tinuluyan ko na, tinadtad ko na parang bopis at binudbud sa pasig.. hehe
jobarclix said this on June 4th, 2007 at 5:41 pm
Busy lang, yan lumipat kasi ng bahay. Hehehe.
markku said this on June 4th, 2007 at 6:21 pm
markku, hehe tv nalang, house warming na.
jobarclix said this on June 4th, 2007 at 8:35 pm
Aba, game na! Paanhaa nya ko bai. Hehehe.
markku said this on June 4th, 2007 at 11:07 pm
Uy, housewarming!
tala said this on June 5th, 2007 at 3:13 am
hmmm, murag naa man gihapon traces sa imong senti side joe. to all the girls you’ve loved before ha. paagi pag joke! :p
emmz said this on June 5th, 2007 at 3:43 am
markku, oo ba tambay tayo dito
tala, naks parang pupunta ka pag niyaya kita
emmz, senti man kanunay hehe
jobarclix said this on June 5th, 2007 at 4:06 am
Oo naman, pupunta ako.
tala said this on June 5th, 2007 at 8:36 pm
tala, ayan sige kitakits. say hello to posh pembo
jobarclix said this on June 5th, 2007 at 9:42 pm