engineer. filipina.
two weekends ago pumunta ako sa kasal ng kaibigan kong si bambi at asawa nyang si john. pareho silang chemical engineers. at parehong nasa packing business. oo, sila na mismo nag joke magiging family of packers sila. gusto ko silang batiin dito, best wishes mga tsong!
yan ang bride. sanay kaming tawagin syang bjm. initials nya. ngayong kasal na sya kay john, bjm-p na. waw. astig. si bambi ay isa sa mga pinakamagandang pinay engrs na nakilala ko. yung isa nag-iintern sa NASA. naks. palakpak tenga ng nasa florida. hehe.
syempre kung may bride may bridesmaids. eto kakaiba, ang mga engr na bridesmaid bihira lang mag bestida. kaya dinala ako para mag paparazzi sa kanila. alam nilang backstage sila sa official photographer ng kasal. wais. iba rin pala pag naayusan ang mga to. kahit papano, nagmumukhang kaaya-aya. sanay kasi akong makita sila na calculator, pliers at spec sheets ang dala. sige na nga. dahil sa laki ng difference ng before and after, magaganda narin sila. yey!
pero ewan ko ba, kahit ano pang matinding transformation ang gawin, bumabalik talaga sa totoong kulay. hahay.
hehehe. mabuhay ang mga pinay engrs!
more pics here. best wishes bambi and john!




joey!!! mapapatay kita.
ang wa-poise ng last picture. hehe.
nyss said this on October 30th, 2007 at 9:36 am
Hahaha! Cute nila Nyss, yung nasa lat picture. Dapat ikaw lagi ang photographer ni Nyss kasi napapa-posing siya talaga
Meyms said this on October 30th, 2007 at 3:09 pm
Wahahaah! Buti na lang nakatago ako sa last picture, hihihi:) Isa kang mapanghusga…!!! Hahaha, nag-aayos naman kami minsan. Ayaw mo nun…raw beauty…nyet!!!!!!!!!!!!
Monster said this on October 30th, 2007 at 7:14 pm
bwahahaha
meyms, oo nga nawili kakapose yan
jobarclix said this on October 30th, 2007 at 11:58 pm
joey tama na, palakpak tenga ko, next time na bayad!
sarap ng buhay ni nyss at mae anne. parang lugi si mae B., walang nagmamasahe sa kanya.
jo said this on November 5th, 2007 at 1:36 pm
jo, bayaran mo ko ng astronaut. wag lang yung may topak. hehe
jobarclix said this on November 6th, 2007 at 12:33 am