all photos in this site are owned and copyrighted by joey climaco, unless stated otherwise.

top three videoke songs

medyo mabagal mag upload ng pics sa multiply ko ngayon kaya standby muna tayo sa ilocos tour. pero isa sa mga highlights ng biyaheng yun, narealize ko, tanggap ko ng matanda na nga ako kasi nag eenjoy na ko sa taenang videoke na yan. impak, dun ko rin nalaman ang top three videoke songs na kaya kong ipambato sa all star k! the one million peso videoke challenge. yey.

at number 3, andrew E’s andrew ford medina. eto ang unang exposure ko sa pinoy hiphop kasabay ng mga kababayan ko ni francisM. kaya hindi nakapagtataka na kahit tumatae ako sa gitna ng dagat na maraming pating kabisado ko to. eto yung kantang marinig mo lang ang beat alam mo na kagad ang kasabay na lyrics. pang lss lang, lahat sila nakatira sa san lorenzo vill among the four.. kay anna, ako napatingin hehe kanta pa! hehe nung minsan napunta ako sa san lorenzo vill laking tuwa ko parang wish ko lang episode ko nung grade 4 ayus!

number 2. kastilyong buhangin. grade two ako ng sinubukan kong lumaban sa singing contest sa school. medyo boses ipis ako nun kaya i was politely kicked out of the contest kasi may sakit daw ako. pero tulad ng lahat bagay, yung mga failures natin ang nagpapatibay sa atin kaya mula grade two hanggang two weeks ago, minaster ko ang kantang to. nagngitngit sa galit ang munti kong puso, na dahil sa kantang to, sinabihan akong hindi ako marunong umawit. asan na kayo ngayon? walang lang basagan ng beer sa ulo. hahamunin ko kayo. guguho kayong parang kastilyong buhangin.

number 1, bituing walang ningning. e-explain ko pa ba? mahal ko si sharon cuneta. pakshet. walang basagan ng trip. sabay sabay: balutin mo ako sa hiwaga ng iyong pagmamahal…

jologs kung jologs. bring it on!

7 Responses to “top three videoke songs”

  1. Yeah, bituing walang ningning! Hehe. Musta Ilocos bai?

  2. hahaha! can’t imagine you singing bituing walang ningning..

    hayahaya sa bata oi.. sige lang man laag!

  3. wala pa ring tatalo sa nandito ako, maging sino ka man, at bed of roses.haha jologs kung jologs, bring it on!

  4. pag-videoke, naaalala ko laging kinakanta mga bon jovi songs… (calling golda et al) at syempre di mawawala ang mga classics na green green grass of home.

    bituing walang ningning – the best pa din yan, lalo na ang chorale arrangement nito (pero di na pang-videoke yun). kahit maging sino ka man, natutulog pa ang diyos (pati ang movie ni lorna tolentino paborito ko!)

  5. bakit wala sa top 3 ang Paper Roses? yun pa naman ang aking All time favorite Karaoke song

  6. Sharon Cuneta. hehehe. Mabuhay ka!

    dude isasama kita sa blogroll ko.

  7. marku, videoke ta sunod by

    amee, ana gyud. ulitawo gud.hehe

    golda, arci, masyadong mataas ang bon jovi. bad trip pag di perfect score hehe

    ref, paper roses as in nora aunor? bwahaha

    iceyelo, mabuhay ka din. tambay lang lagi

Leave a Reply