all photos in this site are owned and copyrighted by joey climaco, unless stated otherwise.

isa pa nga

matagal ko nang gustong ipagsigawan to pero pinigil ko muna. hanggang naglakad na ko sa red carpet sa premiere night kagabi. oo sweetheart. buo na buhay ko. natupad na ang matagal ko ng pinaka-aasam, ang lumabas na extra sa pelikula.

wag nga lang kayo kukurap sa first 25 minutes ng pelikula. meron dun eksena sa opisina nila john lloyd at bea na pinapagalitan si bea ni kuya bodjie. magpapan ang camera sa angulo ni john lloyd, wag kayong kukurap, sisilip ako dun sa likod ng office divider, kitang-kita ang buhok ko at glasses. hindi nyo mamimiss.

taena. buong araw ako nag shooting nun at 7am ang call time tapos kasing tagal lang ng hatsing ang airtime ko. waw. pero ganun talaga ang buhay artista. no small actors. just small roles. very small roles. naks.

hindi dahil sa kasali ako sa cast ng pelikulang to, pero naexceed ang expectations ko dito. laglag baba ko kay bea alonzo, hands up hands down. panalo. ok honesty policy nakipag sex yung role nya dito. hehe. bilib ako sa screenplay at execution. walang corny lines, walang melodrama, lahat parang totoo. ang pinaka na badtrip ako, taena, kwento ng buhay ko to. subtle lahat ng eksena, bumabawi lang sa lalim ng hugot mula sa sarili mong kwento. parang pinapanood mo sarili mo at kahit papano, nahahanapan mo ng justifications ang mga nagawa mo nung iniwan ka. kahit anong reconciliation pa ang binigay nila sa ending, wala na, wasak na puso ko. binalik ang mga alaala na pilit ko ng tinago at binaon sa limot. taena. kelangan ko lang kasi panoorin kasi nominado akong best extra in a supporting role sa famas dahil sa 2 second performance ko dito. yung kaibigan kong si addy best extra in a lead role. mga 1 minute sya nakita eh. walang biro. may tumawag na sa kin.

one more chance. panoorin nyo to. iba hatak sa puso mo. tip lang, wag isama ang gf o bf na panakip butas lang. isama ang kaibigan na nandun nung nagsusuka ka sa baybayin ng puerto galera. o boracay. o metrowalk. o meatshop sa xavierville.

congrats sa star cinema. maraming salamat nga pala kay mico del rosario at cathy batallones, sa pagkakataong makalakad sa red carpet. maraming salamat din kay jp abellera sa pagkakataong makasama sa pelikula. mabuhay kayo!

24 Responses to “isa pa nga”

  1. seryoso, merong best extra?

  2. bka panoorin ko na tlga itong movie na ‘to para makita ang performance ng best extra in a supporting role.seryoso? sumilip ka? anong relevance?haha.

  3. gosh, we’re planning to watch this kasi makadurog puso talaga…’ako na lang.pwedeng ako na lang ulit?’

  4. mic, yup seryosoako nyan

    golda, you have to see it. essential yung roleko dun.

    guerlain, haha dabest yung scene na yun

  5. hmn…another reason why i should go check this film out hehe!
    to the wound that never heals!

  6. hi joey, glad you enjoyed. glad you appreciated the premiere. :)

    next time sana ang pelikulang maka-relate ka naman, ang may happy ending. :)

  7. sige aabangan ko ito sa dvd

  8. panonoorin ko ‘to hindi para sa istorya… pero para makita si jowy! hehehe :P

  9. sushi, wound that never heals hehehe

    mico, yung msaya naman next time! tnx nga pala

    ref, magkakaroon daw ng world showing nyan

    aj, hahaha oo enjoy yan,look for me. wag kayo kukurap.

  10. ayoko panoorin ito kc baka corny pero dahil may supporting role ka, mapanood na nga!

    i therefore conclude, kasama mo si markku nanood?

  11. leia, hindi ko kasama si marku, pero malamang manonood yun hehehe

  12. Joey! Napanood ko na at inabangan ko talaga yung pagsilip mo hahahahaha! Nagustuhan ko sya, kahit medyo may parts na parang dragging at medyo hindi maganda yung pagkaka-edit ng ibang cut-to scenes. Pero ang galing ng performances. Galing ni Bea. She looked a lot like a young Lorna T. in some of the scenes. And she acted as great.

  13. hi tala! hahaha ang saya diba? dabest yung makakita ka ng kakilala sa pelikula hehe yup dabest si bea dito.. ibang-iba sa image nya sa tv. it’s about time narin na magshift sya to mature roles. dabest yung bed scenes hehe

  14. hindi kita nakita. kala ko ikaw yun may ini-ispread out sa may table. naalala ko hindi ka na pala kalbo.

  15. guerlain, long hair ako nun at may glasses.. hayaan mo, pag may dvd release na, icacapture ko mukha ko

  16. kakapanood ko lang, tama ka it was well written and well executed, im quite impressed

  17. mapanood nga
    if only to see my idol joeyboy, ehehe
    ay teka, wala palang sinehan dito sa samar
    tangina, dadayuhin ko pa ang tacloban?

  18. kaye, sulit diba?

    miki, hahaha bumabagyo ngayon! tatawid ka pa ng tulay para makapunta tacloban! pero sulit pa rin panoorin

  19. Gklad you enjoyed it, Joey and Addy! Sorry sa mahabang shooting at iniwan ko pa kayo para pumunta sa Bookfair. Hehehe!

  20. jp! walangya nag bookfair ka lang pala!haha salamat ulit dude

  21. ang saya me pirated dvd na ako neto. heheheh.

  22. pirate, walangya! hehe pa capture naman ng mukha ko!

  23. wahahahaha!!!
    dito ako sa tacloban ngayon
    pinanood ko talaga sa nag-iisang sinehan dito
    putsa, na-miss yata kita?
    kaw ba yung sumilip sa taas ng divider? parang makapal buhok nun?

  24. miki, hahaha oo ako yun!!!! ako yung sumilip na yuN! long hair pako nun!! congrats! isa ka sa few na swerteng nakakita sa kin!

Leave a Reply