all photos in this site are owned and copyrighted by joey climaco, unless stated otherwise.

ang katombas ng pag-ebeg ni ramil

nakita ang liham na ito sa bulsa ng isang pantalon sa laundry shop.. minabuti ng may ari ng laundry shop na ibigay sa akin to para tulungang makarating sa nagmamay-ari. pero teka lang. tulungan nyo muna kong intindihin kung ano ba talaga ang kwento dito.


gus abelgas: malalim at makahulugan ang mga binitawang salita ni inday laban kay ramil. ayon sa mga engr sa opis, matagal ng magkasintahan sina inday at ramil, ngunit nang malaman ni ramil na may kakayanahan ng bumili ng jeep ang anak ni inday, hindi na ito nag alinlangan, at agad binenta ang jeep nang hindi nalalaman ni inday. nagalit si inday dahil katumbas ng jeep umano ang pag ebeg nya kay ramil. binenta mo ang jeep, binenta mo narin ang pag ebeg.

boy abunda: ang tanong.. bakit napunta itong liham na ito sa laundry shop? wala rin umanong nagtatrabaho doon na inday ang pangalan, at lalong wala sa kanilang may syotang nagngangalang ramil, maliban na lamang kay shony na nagkaroon ng ex na ramil, pero matagal na itong pumanaw dahil sa aksidente sa habal-habal..

jobarclix: hindi na nila ma trace kung kaninong labada galing yung sulat, nakita nalang to nung nag iipon sila ng mga unclaimed items para ibenta sa garage sale. ang galing no? sa unang tingin parang simpleng sulat lang. yung hindi mo pagkaka interesan. pero kapag binasa mo ulit, makikita mong may kwento na naghihintay makwento. pero anlabo ni inday. katombas ng isang jeep ang pag ebeg nya kay ramil. abay dapat lang syang iwanan. pero teka pa. may asawa si ramil diba? kabit si inday? hmm…

6 Responses to “ang katombas ng pag-ebeg ni ramil”

  1. walanghiyang labstory yan.
    at take note ang pirma ni inday, parang pumipirma lang ng tseke.

    goodluck ramil…ahahha

  2. tanungin mo na lang si ramil. may number nya ata ako sa batch directory. hehe.

  3. hahaha! oh my naptawa daw ako dito. pero oo nga, anong koneksyon ng jeep sa pag ibig? ng nawala ang jeep, nawala na ang amor. exciting. so naiwan ni inday ang damit? may signature pa e. baka pwede mong hanapin ang may ari ng pirma na yan. i scan mo at ipa enlarge

  4. ang lufet ng pirma! bwehehehe

  5. gaget, hahaha ngayon ko lang napansin yung pang cheke na signature

    mic,korny. hehe

    ref, ang galing no? ang daming possibilities sa kwentong to. pero sigurado, bisaya si inday, at hindi bisaya si ramilkasi kung pareho silang bisaya, e di sana hindi na sya nagtagalog sa sulat

    miki, pirmang pang artista

  6. waw. ang lupet! grabe…ganun niya kamahal yung jeep. kung alam kaya ni ramil yun, di niya ibebenta yung jeep?

    maraming katanungan. hahaha.

    salamat sa pag post. pinatawa mo ako ngayong araw na ito. hahahaha.

Leave a Reply