all photos in this site are owned and copyrighted by joey climaco, unless stated otherwise.

sayaw na

matagal ko ng gustong sumayaw. eto nalang yata ang hindi ko pa nagagawa sa harap ng maraming tao. wag na natin isama yung folk dance days ko nung grade school. salamat sa youtube, nagkaroon ako ng pagkakataon na aralin ulit ang steps sa waterfalls ng TLC.. at salamat sa mga links na to:

nabuhay ulit ang groove ko sa how gee: http://youtube.com/watch?v=_LGvnPzgUKc&feature=related  

at lahat nung mga sikat na sayaw nung early 90’s: http://youtube.com/watch?v=hZZaLZYlhAo&feature=related 

habang pinaanood ko yang mga yan binaha ako ng nostalgia. taena. tumatanda na nga ko. 1992 performance ni claudine barretto ang isa jan, 16 years ago.oo. SIXTEEN years ago na yun. bwakalabits. parang kahapon lang. naalala ko pa ang pagkakandarapa ko patakbo uwi ng dorm para mapanood lang si claudine sa 430 na ang tv na!

waw heavy. nostalgia.

naisip ko,kelangan ko na talaga sumayaw kasi nagfefade na yung kabataan ko, nauubusan na ko ng excuse para magmukhang tanga at sumayaw.

hahay. sabi nga nila. dance like no one’s watching. practicemuna ko ng waterfalls. tapos ako naman ang maglalagay sa youtube :)

5 Responses to “sayaw na”

  1. Ok to ah! :) hehehe

  2. pucha, nabuhay ulit ang former UMD fangirl in me.as for the dance like no one’s watching na plano mo,sincere ako na magsasuggest ng any padi’s branch.rizal branch, mga dun banda.circa 1997 yan sobra.

  3. kegler, hehe ayos diba?
    golda, bwahahaah ako maka streetboys! padi’s???? waw. nag tutupi pa ko ng panatalon nung mga panahong gumigimikpa ko sa padis!

  4. isa sa mga fears ko ata ang sumayaw sa public. lalo na pag may magyaya para makapagmeet ng mga babae, lalo akong tumitiklop at baka lumayo pa mga babae kung makitang di ako sumasayaw talaga. ang loser hahaha
    at magandang idea itong learn from youtube. ang naalala ko atang sayaw ay nung grade school pa ako at sayaw sa cordilleras ang ginagawa ko.

  5. arci, trip lang, recordkang isang folkdance hehe

Leave a Reply