all photos in this site are owned and copyrighted by joey climaco, unless stated otherwise.

Nike and me

napadaan ako sa mall kanina, merong bata na nagbubukas ng box ng bago nyang sapatos. nike. sabi ko sa sarili ko, siguro panahon na para patawarin ko ang nike.

nung bata ako, tulad ng marami sa atin, generic lagi ang sapatos ko. yung binibili sa palengke. yung tatak-less. tapos kelangan ko ingatan yun kasi kung babasehan ang reaction ng mukha ng nanay ko pag bumibili ng sapatos, eh parang kasalanan sa kanya ang lumalaki ako, at kasalanan ko na napupudpud ang sapatos pagkatapos ng dalawang taon.

kaya hindi ako nahilig sa sports nun, kasi kelangan ko ingatan ang rubber shoes na minsan shared lang namin ng kuya ko. tatambling na ko pag nakakuha ako ng legacy, yung mga 2nd hand ng mga anak ng kakilala ng mga kamag anak. pero dahil dun, medyo master ako sa agawan base at taguan at yung tawag sa amin ay tumba-lata. at nabasa ko halos lahat ng libro sa library. tulad ng kwento ni iggy egg at hermie spermie.

ayoko kasi sa nike. pilit ko iniiwasan. dahil para sa kin symbolo yun ng oppession, reminder sa kin na nadeprive ako. kasi nung nauso na yung nike sa mga kaklase ko, ako naka generic shoes parin, robertsons. ang pinaka malayo ko ng narating, mighty kid. tinago ko pa yung box nung mighty kid ko at dun ko nilagay ang mga pinagsusulat ko nung observations sa pag shift ng moon wrt (with respect to) the stars. so sabi ko nalang sa sarili ko, matinding sourgraping, na hindi maganda magka nike na sapatos. para hindi ko na sya hanap-hanapin. at naging epektib hindi na ko nainggit kahit kelan sa nike. hindi rin ako naging fans club ni michael jordan.

nung nagkapera na ko, adidas ang pinili kong brand. naadik ako. lahat ng sports gear ko adidas. bag, shoes, tsinelas, shorts etc.. pag wala sa adidas, deuter reebok speedo or oakley. anything but nike. statement na kaya kong mabuhay na wala ang nike. na totoo naman.

last year, binigyan ako ng kuya ko ng nike, pasalubong nya sa kin galing trip abroad. sinuot ko agad. nagbunting hininga. pinigilan kong lumuha. nilagay ko sya sa kotse, at dinala kung saan saan.

narealize ko, ako lang ang gumawa ng sarili kong away laban sa nike. ano kaya naging buhay ko kung tuluyan lang akong nainggit sa mga nike nun? ano kaya nangyari sa kin? may namiss ba kong matinding experience dahil dun? mas maganda kaya buhay ko? tingin ko, tama lang. di naman na masama ang narating ko. diba?

kaya nung nakita ko yung nike nung bata kanina, napaisip ako. kasi kahit wala akong nike nun, marami pa rin akong dapat ipag pasalamat sa kanya. binuhay ako ng galit na yun eh. tinulak ako hanggang sa abot ng makakaya. at kapareho kami ng motto sa buhay:

just do it.

padating ko sa bahay, sinilip ko yung binigay sa kin ng kuya ko. oo binitbit ko hanggang dito. hinimas. nagsorry. at nagpasalamat. mula ngayon, kasama na sya sa team. kasama ng mga adidas, speedo, oakley at deuter, karamay na sa hamon ng panibagong yugto ng buhay ko.

19 Responses to “Nike and me”

  1. hanggang mighty kid lang din ako noon.kami lahat sa pamilya,nung may extra pera na, nike ang unang biniling sapatos.nasa shoe rack pa rin ang pinakauna kng nike

  2. golda, siguro campaign/marketing strat nila yun no? na para dun sa mga hindi kaya bumili, they can stick to the tagline para part ka parin ng fan base tapos eventually bibili ka pag kaya na.

  3. ngita jud ka kakampi no? hahaha!

  4. naaliw naman ako sa sinulat mo…naka relate ako, ang mahal kasi ng nike noh? swerte na lang nung college, libre ang sapatos ko… hehehe

  5. i was once fascinated with the way you handled your lenses, but then again, im here, much fascinated with your simple words yet having deeper meaning.. well, nice one though. keep it coming!

  6. tet, hands up nalang diha gud hehe

    fifi, oo ang mahal nun.. nng high school nga wala parin ako matinong sapatos nun. college narin ako nakabili matapos kung pag ipunan kaka SA

    wakeNbake, na speechless ako dun ah. maraming salamat! tambay lang :)

  7. ayoko sa nike kasi may sweatshops sila.

  8. mic, bilib na talga ko sa yo.

  9. magtatayo na ako ng fans club mo d2 joey. linking this blog again.

  10. donna, waw. tats ako. sige link lang.

  11. joey, nicely written, nalingaw ko….lingaw kaayo ka mosulat…in fairness, naa koy NIKE sa una sa grade school…isa ra pud kabuok…paliti jud imong anak puhon ug NIKE aron dili ni kopyahon imong gisulat…

  12. seoul, salamas sa pagtambay.. mao gyud. palitan gyud deretso ang bata ug i expose pud nako sa mga bmw ug mercedes benz para naa sya drive in life hehe

  13. kuya nalingaw ko sa imung blog. nice! though lahi akong life sa imu katong college ka pero naka relate ghpn ko.hehe

    maningkamot ghpn para mkapalit pud ug branded na fliflops inig graduate.hehehe!

  14. dik, panigkamot gyud ug imo dha hehe

  15. pasalamat gyud ko sa imo blog kay naa ko mahimo diri sa ofc nako for my last 2 days of work hehehe. nagka nike sad ko atong grade 4 ata ko mao sad isa ra pud kabook. ginagamit pa ata nako to until grade 6 miskan cracked na ug mabuslotay na hehehe, nike gihapon :)

    dili na mo hands up si tetet noh kay iya MGA nike shoes gikan pa sa US of A

  16. milbrey, aguy aguy dili maayo ning magsige ka basa diri kay wala pay nadato sigeg basa diri hehe bitaw tamby lang wa pud ko lingaw

    tet, sakspan!

  17. hala kay resigned na man ko. last day of work diri. dugay ra ko petiks diri sa ofc more than 6 mos na cguro. mao resign na lng kay mabogo ta aning walay ginabuhat hehehe :)

  18. milbrey, niresign ka? pagsure? kulbaa gud na recession man

  19. uu.sure gyud kay last day nako karon. transfer na ko lain company starting feb1. nag send ko msg sa imo YM.

Leave a Reply