all photos in this site are owned and copyrighted by joey climaco, unless stated otherwise.

tinolang manok ko

ganito pala nararamdaman ng mga superhero pag nalaman nilang may superpowers na sila. yung gusto mong magtanong kung bakit nag aaral pa yung iba sa CCA para lang matutong magluto. yung gusto mong itanong kung bakit ngayon lang ako nagsimulang magluto e di sana kalahati na ng posh pembo ang napasaya ko? yung gusto kong ipagsigawan na oops i did it again?!! eto na swithart, may katapat na yung nilagang baka mo:

ang tinolang manok ko.

ahh oist oist makinig makinig lalo na yung mga ofw at mga nanay na paksiw lang kayang lutuin.. special mention sa isang nasa serbia, sa isang nasa NASA, at yung isang taga summit media. ganito magluto ng pang tambling na tinolang manok.

ingredients: manok, chopped. mga kalahating manok. walang paa at pakpak. yung katawan lang. luya na kasing laki ng thumb na toe (toe yung fingers ng paa). bawang. (ngayon alam na alam ko na kung bakit bawang ang tawag sa taong laging present sa mga happening hehe). cabbage, 1/4. knorr chicken cube. 2 basong tubig.

steps: balatan ang luya. hiwain ng pabilog. parang piso. balatan ang bawang. hiwain ang bawang na parang piso din. gisahin ang bawang at luya at manok. wag kalimutan lagyan ng oil ang pan. tignan ang manok hanggang maging puti ang kulay. tapos ibuhos ang tubig at chicken cube. takpan at pakuluan ng mga 20 minutes o hanggang lumambot na ang manok. bubula yung sabaw ha, kaya alalay lang sa apoy, hinaan para hindi umapaw ang bula. tapos ilagay ang cabbage. hintay ng mga 3 minutes para maluto ang cabbage.

tapos dapat nakaluto ka na ng kanin at may baso ng ice cold coke. pumikit muna at isipin ang mga taong nagugutom sa buong mundo at magpasalamat sa biyaya. tapos kung fu na! lasapin muna ang sabaw. mainit ang sabaw ha. tapos isabaw sa kanin. maghanda ng patis na sawsawan. hmmmmm ang sarap. guaranteed, papawisan ka neto. at malalalim na deep sighs of relief ang mararamdaman pagkatapos kumain. medyo backstage muna ang adobo ngayon.

may nakita rin akong recipe dito. may papaya daw pala dapat. at malunggay. pano yan, naluto ko na pero masarap parin hehe ano pa hinihintay nyo, luto na!

20 Responses to “tinolang manok ko”

  1. ibang lutong tinola ah. parang pangtinolang isda. tinolang bisaya. hehehe
    kakaiba at parang lahat ay nagtinola ngayon, isang ka-chat ko nagtinola, dito nagtinola, sa opisina tinola din.
    masarap din pag maraming malunggay, dahon ng sili, sayote o hilaw na papaya, at sili! para umanghang.

  2. arci, hahaha baka tinola day ngayon! o baka ang tinola may kinalaman sa panahon? parang naisip ng lahat, uy february na, mag tinola tayo.. iba ba recipe ko? masarap naman sya. lasang tinola. yata. naku teka napa isip tuloy ako.

  3. Ang tinolang manok ko naman, yun nga, papaya na hilaw or sayote, tapos madaming dahon ng sili. Kung walang dahon ng sili, di ako magitinola.

    At yung kinalakihan ko na luto ng nanay ko, merong atay, balun-balunan, at ang pinaka-weird para sa marami: dugo. Pag nagpatay ng manok, may isang platito ng may konting bigas, at dun nilalagay ang dugo na tumutulo sa leeg ng manok (LOL). Tapos around the time na namuo na yung dugo, dapat kumukulo na yung niluluto, at dun na ilallagay yung dugo. Sa Bulacan lang yata eto hehe

    Ay, at inaalis ang atay sa ulap pag kakain na at nilalagay sa platito at nilalagyan ng patis

    AT DAPAT TINOLA DAY DIN AKO KANINA. Pero may leftovers pa kami e, inubos muna yun.

  4. thumb na toe… natawa ako ha!!!
    let me guess, nakalimutan mo lagyan ng oil ang pan. at umapaw ang bula?!

  5. rain, ha? bakit may dugo? at liver? ano yan, bulacan version ng lapaz batchoy? pero kakaiba yan ah. totoo nga yun, kelngan lagyan ng bigas yung dugo para daw mag clot at magbuo-buo mas madali na lutuin. baka nga dahil sa panhon, nauuso ang tinola!

    jo, ano tawag dun sa thumb na toe? kaitsura ng luya. hehe learning from mistakes ako jan sa walang oil at bumula

  6. Joey, nakakaaliw ka! Pero try mo nga yung may papaya at malunggay/dahon ng sili. Yung papaya meat tenderizer. Pero wag mo na siguro lagyan ng caggabe. Ang alam kong nilalagyan ng cabbage yung sunampalukang manok. Parang yung ginawa mo except that igigisa sya at may sampalok. Pero since masarap ang luto mo, I think gifted ka. TaLent din ang cooking =)

  7. pen! kelnagan ko ngang sundin yung malunggay at sili. ikaw pa e expert ka sa masasarap na pagkain! naalala ko tuloy yung med mission na kain ang sarap. sundin ko rin yang ainampalukang manok. ano ba sa ingles ang sampaloc? hanapin ko dito. waw salamat.. shaks tingin ko nga talga may talent ako sa pagluluto. baka dito pa ko yumaman!

  8. joey!! kakatawa ka magkwento! aliw na aliw ako. try mo next time, pag ginisa mo yung manok, season with patis… amoy pa lang ulam na!

  9. fifi, oo kakaiba power ng patis pala! abangan mo next ko luto, susundin ko recipe ninyo

  10. Yawa, you should cook when go home bai! =)

  11. markku, by sige ba! im aiming for the bigtime.. tingin ko ang pinaka dabest na achievement in cooking is makaluto ng lechon baboy. tapos lechon baka.

  12. ambisyoso na sad ng makaluto ug lecho baka uy. :)

  13. tet.. ayaw nalang kakurat.. seryosohon nako ning luchon baka hehe

  14. sayang, kung lami tanan imong lechon baka, makatinda tana ka sa poswan! :)

  15. tet, unsa pa. end of the career ladder nang puswan.

  16. Lola ko nung buhay pa siya mahirap i-please sa pagluluto. Then one time (and last time narin) nagluto ako ng tinolang manok. “Masarap”, sabi niya. I had a glimpse of heaven :)

    I miss you, Lola.

  17. kurea_majt, ginawa mo pang greeting corner ng lola mo to hehe hi lola!

  18. may Special dalaw ka mamayang gabi Joey.

  19. Huli na to pero, favorite ko kasi ang tinolang manok. Masarap ito pag ikaw mismo ang kumatay ng manok (at tipong may pangalan pa yung manok na kakainin mo, hehe), tapos hahaluan mo ng dahon ng sili, yung madami :D

    Punta kayo sa amin, daming manok si papa ko, mga texas pa. Hehe.

  20. chinque, morbid man diay ka! haha di ko anang texas, mura nag bubble gum sa kagahi

Leave a Reply