Project: Fresh Take
taena nung panahon na kuhanan ng grad pic ng high school at college, nanibago ako. ang mahal ng babayaran. dati kasi libre ako sa lahat ng picturan. ako pa sisingil sa mga kaklase ko.
isa ako sa mga maswerte na lumaki na napalibutan ng camera. lolo ko kasi at lahat ng anak nya (pati nanay ko) ay photographer. ang longest surviving photography studio sa buong surigao del sur ay yung sa lolo ko na yata, na buhay pa hanggang ngayon. since 1950’s pa. kaya lumaki akong halos kumpleto lahat ng birthday pictures ko at lahat nung recognition rites sa school. hanggang sa napadpad na nga ko sa maynila nung high school.
ang mahal ng picture taking nun lalo na pag grad pic. dito ko lang naisip na talagang pinagkakakitaan ang pampahalaga natin sa mga alaala. minsan ka nga lang naman ga graduate kaya ok lang gastusan ang grad pic. tsaka dapat sureball na gwapo ka o maganda sa kuha. kaya babayad narin yung iba pang make up at kung anu-ano pa..
pero pano kung nagkataong walang wala ka talagang pera pambayad sa grad pic? gagawa ka dapat ng paraan. ako nun tama lang kasi working student ako at meron akong tutorial na raket kaya may pang grad pic. tignan mo naman, nasulit ang mahigit isang libo na binayad ko jan. ayus diba?
pero kung pano kung walang wala na talaga at kumakain na kayo ng lupa? hindi naman big deal ang picturan, pero sana meron. para naman may maikwento ka pagtanda mo. may alam akong ibang tao jan na sobrang successful na ngayon pero wala man lang grad pic kasi nagsisikap pa sila nun. OA na siguro ako pero mabigat kasi ang pagpapahalaga ko sa memories…
kayang tuwa-tuwa ako at nagka project ng ganito ang rockedphilippines. LIBRENG GRAD PIC ang mission neto. naghahanap sila ng volunteers na tutulong sa kanila, lalo an photographers. eto na chance nyong gamitin yang tig singkwenta mil nyong dslr. tulong grad pic sa mga walang pang grad pic na mga graduating students. tribute narin sa batch 2009.
puntahan nyo ang link na to for more details: PROJECT_FRESH_TAKE -_http://gangbadoy.multiply.com/journal/item/319/PROJECT_FRESH_TAKE_
one-two-three smile!
ps. wag kalimutang lagyan ng didiks sa likod ng pic na please keep this as a simple remembrance..
grad pic by voyeur visage katipunan.




Alam mo Joey, hindi talaga ako makapaniwalang ikaw ito e. Sa totoo lang.
kurea_majt said this on February 11th, 2009 at 4:17 am
Grabe nakita ko na naman to. Kamukha mo si Daboy! Ahahahaha
Duhdee G said this on February 11th, 2009 at 9:00 am
prettyboy joey!
grandmaster idol.. tindi ng grad pic a..
sixdigit said this on February 11th, 2009 at 10:43 am
kurea_majt, maniwala ka na.
dadiG, haha parang bangungot ba na ayaw mawala
kitong! tambay lang dud
jobarclix said this on February 11th, 2009 at 11:30 am
Yawa mura man ug artista! =P
markku said this on February 11th, 2009 at 4:25 pm
markku, wala pa koy sala ana by haha
jobarclix said this on February 11th, 2009 at 8:53 pm
Alam mo Joey, agree ako na kamukha mo nga ang nasirang si Daboy. Kamukha mo rin ang boss ko ngayon. Therefore, kamukha ng boss ko si Daboy. he he
Barty said this on February 12th, 2009 at 6:52 am
barty, hindi lang kasi ako mahilig magbigote
jobarclix said this on February 12th, 2009 at 12:57 pm
So, inaamin mo nga? Dun sa video niyo na inuman? Yun! Kamukha mo si Daboy. Sigurado.
Barty said this on February 12th, 2009 at 10:48 pm
barty, antagal an nun ah haha
jobarclix said this on February 12th, 2009 at 11:08 pm
Well, ganun lang talaga ang memory ko
Barty said this on February 13th, 2009 at 12:50 am