all photos in this site are owned and copyrighted by joey climaco, unless stated otherwise.

sampung pagkaing miss na miss ko na

hindi ko binabalewala ang mga to nung nasa pinas pa ko. kaya ngayon, 4th month ko na bilang ofw, miss na miss ko na ang mga to.

1.jollibee peach mango pie. mahal na mahal ko ang jollibee. nung 5th yr college ako thesis time madalas kami mag late nights, kaka-run ng tests. uuwi ako ng 3am. tapos hihiga sa kama at di na ko mapakali kasi tatlong oras nalang bubukas na jollibee!!! may libreng dyaryo pa pag umorder ka ng peach mango pie.

2.banana cue. lalo na yung tinda ng mga manang sa UP. at sa talipapa sa kalayaan ave makati. at yung banana cue ni nang shony na kapitbahay namin sa surigao! masarap sabayan ng coke with ice ang mainit-init na banana cue!

3.mais. yung mais sa UP na dinadayo ko tuwing weekend. walang pakialaman kung magmamantika ang mukha ko. mula baba pataas nga pala ko kumain ng mais. kayo ba? yung shredded corn din ng king corn na nilalagyan cheese panalo!

4.bart burger with cheese ng burger machine. walang kapantay na pampalipas oras pag gabi.

5.siopao ng henlin ministop at 7-11. suki ako neto sa henlin fort hanggang nagsara yung branch na pinupuntahan ko. yung sa ministop at 711 hindi kasing sarap nung sa henlin pero halos araw-araw kasi ako kumakain neto. tapos biglang nawala. parang kung sanay ka huminga ng hangin tapos biglang naging tubig parang ganun ang naramdaman ko.

6.dinuguan ng goldilocks at red ribbon. masarap yung sa goldilocks kasi medyo malapot. yung sa red ribbon edyo malabnaw. pero masarap parin. dito kasi bawal daw dinuguan.

7.platter meal ng max’s. kakaiba yung fried chicken ng max. madami-dami yata akong tinumbang manok dahil dun. tsaka yung kasabay na pancit canton ng platter meal nila, minsan napanaginipan ko to. nagising ako at hinanap ang pinaka maliwanag na bituin. pakshet. pangarap nalang sya. dati pwede ko pa idrive papuntang maga, 24 hours max’s dun. tsaka yung caramel bar na kasing sarap ng parang kinalabit ka ng langit.

8.baked tahong with cheese sa dampa. paranaque, MOA, libis, macapagal. kahit saang dampa. potah. yung dampi palang ng dila sa maalat-alat na keso ng tahong parang walang kapantay. mapapapikit ka. teka parang ang bastos pakingaan. pero pakshet ang sarap ng baked tahong! waah meron kaya dito nyan

9.tapa queen meal ng tapa king. sabayan mo pa ng champorado na dessert. dabest na pampalipas pagod pagkatapos mag badminton sa metro pioneer.

10.leche flan ng ann-wari kitchenette sa better living paranaque. ito yung leche flan na mapapahawak ka sa lalamunan pagkakain. yung pilit hinahatid ng kamay mo pababa ang kinain kasi ayaw pakawalan ng bibig at esophagus mo yung sarap. 40 lang isang llanera. mapapahawak ka sa salawal. grabe. tambling. headbang.

———-

sawa na ko sa chicken rice at adobo ko.

26 Responses to “sampung pagkaing miss na miss ko na”

  1. speaking of u.p. food, napapanaginipan ko rin minsan ang isaw sa tapat ng ilang-ilang dorm. yung nakalagay sa plastic cups lahat ng sticks para nakababad sa sukang maanghang. tapos may coke shempre. panalo!

  2. subsitute for pinoy cravings:
    peach mango pie = old changkee pineapple fill-o
    siopao – honey char siew – in gold yellow orang combo packaging sa fairprice or sheng siong, steam mo lng
    max fried chicken – fried spring chicken wannabe western food – nasa may changi village na ngayon so layo :(
    tahong – may nabibiling tahong sa SG hehehe, luto ka na lng, bake mo with chees toppings

  3. for leche flan, i cook my own :p miss ko din tapa king :( sa jologs meron pero di kasing sarap

  4. nakakagutom naman ‘to…

  5. tama joey, mas masarap ang dinuguan sa goldilocks.

  6. na-miss ko din ang jollibee.. buti na lang may jollibee sa vietnam nung huling punta ko..7 branches pa!

  7. mae! oo ang sarap ng isaw na yun. kaya lang alas kwatro palang ubos na. kelangan maaga pumunta.

    milbrey, uy waw salamat sa substitute suggestions. hantingin ko lahat yan. ang layo ng changi! ahh tama leche flan idea. gagawa ako lechon flan.

    mona, at least jan pag hinanap mo pwede mo puntahan.. dito wala waahh

    nyss, masarap yung goldilocks kaysa red ribbon. pero ok parin yung red ribbon kasi masarap yung sabaw

    tim, uy talga? bakit akya walang jollibee dito sa sg?

  8. ung adobo na tinuro sa akin ng nanay ko, pag nilagyan ng keso at ketchup mechado na hehe oo sarap yan lechd flan, tas pakainin mo kami hehe research ka pa ng ibang ulam para di ka magsawa :) mga hilig namin lutuin salmon with butter and garlic, chicken drumlets na binabad sa kalamansi at bawang (puro bawang ngahaha)

  9. gina, ang bawang daw bawal umabsnt sa kusina hehe kakaiba yang adobo mo ah. may derivative na mechado haha

  10. bart burger with cheese ng burger machine. ako ata nagimbento niyan e. he he

  11. oi joey! pagkat-on og luto oiy.. mao nay kibabuhi sa gawas.. haha.. try pinoycook.net for recipes.

  12. barty, waw talaga? ang tanda mo na pala. high school palang paborito ko na yan eh

    amee, nagpraktis na bitaw ko. naka chicharon nako ug liempo :)

  13. wow! leche flan.. my favorite! di ko talaga bnabalewala tong dessert na to.. hina hanap2 ko pa to… nyayks! hehehehe…

  14. gnet, dabest ang leche flan sa up coop

  15. Pritos Ring

  16. dude, may jollu-V sa lau pa sat, yung chicken nila kasing sarap na rin ng jollibee yun nga lang ang gravy medyo malayo (para sa akin). namimimiss ko na crispy tawilis na isasawsaw mo sa suka.. wahhhh…

  17. barty, di ako mahilig sa chips eh

    jamal, natikman ko na yun dude! ayus lang. pero iba parin pag andun ang bubuyog! waw oo masarap din yan. isabay sa champorado

  18. Do ko rin siya hilig. Miss ko lang.

  19. aku din miss kuna peach mango pie!

  20. yda, ofw ka din ba? hahay tiis nalang muna

  21. pre… meron na kami masarap na tapa sa sizzling platters… next week meron na din chicken ala max… try mo… pati leche flan eh baka meron na rin pagpunta mo…

  22. philip, uy talga dud? sige ayus yan! sana merong banana cue hehe

  23. miss ko na yung isaw at bbq sa kalay

  24. domjullian, ako miss ko parin lahat!

  25. putok at mountain dew sa molave, squid balls sa econ, rodics, beach house’s bbq, giniling with rice tsaka masarap din monggo nila, aristocart, fishballs sa engg at vinzons, thai food, mang jimmy’s syempre an favorite venue ng mga nag te treat sa bday at chocolate kiss.

    naglaway at dun.malamang ikaw din.punas muna tayo ng laway.:P

  26. domjullian, tama na tsong, ofw ako. wala nyan dito. hehe

Leave a Reply