all photos in this site are owned and copyrighted by joey climaco, unless stated otherwise.

top ten damoobs

at dahil malapit na kong mag trenta napag isip isip ko kelangan ma transfer ko na ang lahat ng nalalaman ko kung pano ma survive with flying colors ang pagiging twenty something. unahin natin sa damoobs.

eto ang mga linyang wala pang sablay, batay sa karanasan ng mga namayagpag na damoobs kings. lahat to, at mga variations neto, ay totoong nangyari. hindi ko nalang sasabihin kung sino-sino ang mga to. karamihan sa kanila, lumagay na sa tamang kinaroroonan. sa mga fresh grads, para sa inyo to!

1.tatawid kayo ng kalsada na may stop light. naka red pa ang ped xing sign. lalaki: nahalikan ka na ba sa ilalim ng stop light? babae: huh? eh.. hindi pa. lalaki: eto na..

2.inom ng beer sa bar. magkaharap. nagkatitigan. may namuong drops ng beer sa lower lip ng babae. lalaki (nakaktitig dapat sa labi): i pity that drop of beer clinging to your lower lip.. id love to help it end its misery. can i kiss it away? girl closes her eyes.

3.inuman sa bar ulit. naubusan na ng beer ang lalaki at ang tagal ng waiter. lalaki, with matching conyo slur: would you mind if i drink from your bottle? sabay kuha ng bote na hawak pa ang kamay ng babae.. ingat lang baka ihampas sa mukha mo pagkatapos.

4.girl: i love you.. boy: careful.. ano kala mo sa kin, easy boy? girl: bastos! tapos tatalikod. boy: biro lang.. halika ka nga dito.. sabay yakap.

5.while driving. boy: ang trapik at ikaw may similarity. im stuck on .. girl: sshh you had me at hello.. (nagpupumigil ngumiti at nakatingin sa right side mirror)

6.girl: bakit ka naghuhubad? boy: gusto ko nakahubad tayo mag usap. para kita lahat, symbolo na wala akong tinatago. alam mo yun, naked truth…

7.boy: magaling ka pala kumanta. meron akong recording software sa bahay, gusto mo record kita? gusto ko kasi i-immortalize yung boses mo. girl: record lang ha.. boy: beer pa?

8.boy: wag mo na ko tanungin kung ano pa kaya kong ibigay. baka di mo na kayanin. girl: asus. ano nga? buhay mo? corny.  boy: panganay ko.

9.boy: pakiss naman girl: saan? boy: sa cheeks lang. girl: ano ba yan (innocent tawa) boy: sige sa neck nalang.

10.boy: ang buhay daw ay lipon ng mga kwento ng one-day memories. kaya nga diba lahat ng kwento nagsisimula sa.. “isang araw”. may mga tao jan na sa loob ng isang dekada, may isang araw lang silang inuulit ulit at binabalikang alalahanin. girl: waw. ang lalim mo pala. boy: deretsuhin na kita, total nasa boracay tayo, gawin nating unforgettable tong araw na to. girl: hahaha sige ba! boy: tapos kunyari bagong kasal tayo..

naisip ko wag na isulat yung iba. hehe. PG tayo dito. dagdagan nyo nalang.

22 Responses to “top ten damoobs”

  1. tawa ako ng tawa joey. :) thanks for making my day.

  2. nyss! haha tambay lang.. ako rin natatawa nalang eh

  3. marami dito potential reason para sa isang serious physical injuries case.kaya saludo sa sobrang swabeng mga gumawa nito! panalo ‘to.

  4. hahaha. for each da move, naa ko ma-associate nga face hahahaha!

  5. eydol ka talaga, dami kong natutunan sa mga sinulat mo d2… salamas master…

  6. golda, hahaha di lang physical injuries, pati sexual harassment na yata dyus ko po

    jan, ayg saba diha! pagpuyo

    jamal, hmm sa masters ko lang din nakuha ang mga yan eh

  7. nyahaha jowi.. saksi ako sa mga damoobs na yan! ‘ika nga aral kami sa mga turo at patotoo ni dakilang necro…

  8. tim, hehe itago nalang natin ang mga real identities

  9. teach me more, master.

  10. ay naku! Alam ko toh lahat! Jan ako nadale ni jamal eh! Wahahaha! kunyari ka pa jamal! Ang dami mo pang alam! Kau ni kajjo! Haha jobar the best un number 4! Parang sa pelikula lang. Waw. Hehe :-)

  11. logs, intayin natin mag reply ang totoong masters jan..

    bebang, hahaha sakspan suspek sa damoobs! ikaw victim? hahaha

  12. Alam ko yung #7, hehehe. Pag tumatanda pala tayo parang corny na yung iba, hahaha! :P

  13. markku, oo nga. dati parang ang cool pakinggan at gawin. ngayon alam mong style ng amateur hehe pero yung karamihan jan gumagana pa

  14. jowi! buhay ka pa?! at nag iiwan ka pa din ng damoobs legacy ha:)

  15. uy bathala! nabuhay ka? musta na dud? san ka na ngayon? legacy mo yan sa min eh hehehe

  16. waaaaah! amazing damoobs! and to think, these actually worked ha?! hahaha!

  17. E puro damoobs ng simpleng manyak to e. >:)

  18. Sabi daw pag biglang kumanta yung lalaki tapos at earshot decibel ng isang girl e type ni guy si girl? hahaha hilarious.

  19. hehe ang master ng damoobs. nice joey :D

  20. karen, oo epektib yan. parang virgin coconut oil.

    barty, complex manyak yan! nag iisip!

    ramil, hahaha di pa kita nasasama sa mga kwentong yan.. gawa ako part two!

  21. ei jobarclix, please add some up. badly need these stuff, lumalamig na ang simuy ng hangin sabay lumalamig din bibig ko pag kausap mga babae. konti lng bala kong kagaya nito, penge pang ibang damoobs. ^^

  22. rod, you have to find it out yourself hehe

Leave a Reply