things to do before 30
mga five years ago nakausap ko mga kaibigan ko, lahat napag isip nun na gumawa ng listahan of things to do before thirty. five years ang naman ang project plan, so tingin namin kayang-kaya. tsaka ayus yun, may deadline.
eto ang things to do ko before thirty:
1. travel alone. domestic muna, tapos abroad. – kakaibang wisdom ang makukuha sa pagbibiyahe. kadalasan, dito ka nakaka kuha ng outside looking in na perspective sa mga bagay bagay. kaya nabuksan ang isipan noon nila rizal at ng mga iba pang ilustrado kasi na expose sila sa kultura ng ibang lahi, at nakita nila ang sarili sa ibang pananaw. sa ganyang paraan, magsisimula ang pagbabago, ng sarili, maging ng lipunan. may emphasis sa alone. kelangan gawin mo to mag-isa. mahirap ipaliwanag eh. pag nagawa mo na, hanapin mo ko, tsaka tayo mag usap, at magegets mo ang sinasabi ko. sa pagbibiyahe, makikilala mo lalo ang sarili.
2. read a russian novel. nagsimula to sa addiction ko sa third eye blind. meron silang kanta called narcolepsy na may lyrics na “i read dead russian authors volumes at a time, i write everything down except what’s on my mind”. tapos meron akong kopya ng brothers karamazov ni fyodor dostoevsky na limang taon ko nang di matapos-tapos. ginawan pa namin ng pustahan. tapos tuwang-tuwa ako sa bolshevik revoltuion ewan ko bakit. tapos sabi ng adviser ko nun sa thesis na dean na ngayon ng engg sa up diliman, there are 3 types of technical journals: the comicbook, the mills and boons, and the dostoevskys. ang hinihimay ko nun, dostoevsky ng distribution of weights ng laplace equations yata. bottomline, dead russian authors are very hard to read, they require a great deal of concentration and analysis.. kasi tayong mga pinoy sobrang exposed sa everything na may european at american thinking. iba ang perspective ng russians.
3. appear in all forms of traditional media: tv. radio. print. movies. eto naman, trip lang talaga. pang small talk. para may kwento kang maibaon pagtanda. so naging extra na ko sa pelikulang one more chance at nanalo ng best extra in a supporting role sa famas, lumabas narin ako sa tv at extra ako sa maging sino ka man book 2 bilang photographer ng opening ng pinasabog na banko ni cristopher de leon, lumabas narin ako bilang guest sa rocked radio over NU 107, at minsan nag print model ako ng isang sabaw, at may mga napublish din akong photos for a golf magazine. wala lang. pang small talk. na minsan, may isang gamu gamu hehehe.
4. do volunteer work. sa lipunan natin ngayon, the best position to be in, is being in a position to help. sa twenties mag titip ang balance between pampering yourself and helping others. darating ka sa punto na wala ka na magawa o mabiling bago para maaliw ang sarili mo, ang next nyan, kelangan mo ng tumulong sa iba. sa tingin ko, dito nagsasanga ang mga taong greedy at mga taong may silbi sa lipunan. kapag dumating ka sa puntong ito at pinili mong unahin parin ang sarili, tangina mo, wag kang tatakbong pulitiko.
5. fall head over heels in love. ibigay mo lahat, except self-respect syempre. magmahal kang parang wala ng bukas. ang sarap ng pakiramdam na yan. at kung mukha ka mang baliw, may excuse ka pa ng ‘kabataan ko yun’. manligaw ka na lagpas langit. yung outrageuos. idamay mo na pati barkada mo. masarap na pulutan yan pagtanda tuwing inuman.
6. break someone’s heart. when it comes to love, karamihan sa tin kinakaligtaan na lahat tayo may karapatang mambasag ng puso. kasi sigurado at one point in our twenties or earlier, may isang gago jan na nagpaiyak sa tin. the only way to have that balance back is to do the same. believe me, it is therapeutic. sometimes, hindi patas ang ratio. yung iba, minsan lang na heartbroken, gumanti sa lima, tsaka lang nagsettle ng score. hindi mo rin kasi masusukat ang tindi ng buhos ng damdamin. kayat hanggat hindi nabubura ng pambabasted ang huli mong heartbreak, wag kang titigil. wag ka matakot, sabi ko nga, karapatan ang mambasag ng puso. para naman ma feel mong ikaw ang kinakantahan ng mga love song hits tulad ng Oo ng updharma down, unbreak my heart ni toni braxton, o kaya oops i did again ni britney.
7. have wild sex. in the car, in the kitchen, on the carpet.. ang twenties ang best time to explore and express ourselves, kasi may excuse pa tayo ng ‘kabataan’, at the same time ‘responsible’ na tayo na mga young adults. tsaka yan ang prime ng mga katawan natin. enjoy it while everything is functioning properly pa. sunod nyan rayuma na, bawas na sa positions hehe. but a big warning on this one, kelangan buksan ang isipan. wag pilitin kung di kaya ng sikmura, kelangan mangibabaw ang morals mo dito. sa huli, katawan mo parin yan. respetuhin mo ng tama. ikaw lang dapat ang magdidikta kung kelan mo gusto. wag kang papapilit tulad ko. buti nalang hindi na ko easy boy ahihihihi so ayun, mas masaya to kung may partner ka na, lalo na asawa.
8. buy a car and drive it. preferably 2nd hand. life and driving has many similarities. medyo mix kasi ng metaphor ang pag da drive sa kalsada, at pag da drive sa buhay. dahan dahan sa lubak, bilisan sa freeway, magbigay sa mga tumatawid, at mag isip bago lumiko kung mapunta sa isang nagsasangang kalsada. kaya dapat second hand para matuto kang ayusin ang mga sira. ang sira kasi ng kotse, kadalasan nasa loob. kung maganda ang kalsada at ka karag-karag ka, tumigil ka at silipin ang kalagayan ng makina.
9. get drunk. either ikaw ang lasing o kaibigan mo ang nilasing mo. malamang lahat kayo ito ang inuna. dabest ang bonding ng magkakaibigan pag may nalalasing. eventually naman marerealize nyong tama na sa sobrang pag iinom. sa pagtanda natin, tayo rin ang susuko. magiging social drinkers din naman tayo lahat. iba lang kasi ang hatak na minsan nanawag ka ng uwak. ulit, be responsible. dont drink and drive. magpakalasing lang kung may tiwala kayo sa mga kasama mo. mas masaya kung kapamilya o kababata ang kasama.
10. learn a foreign language. - ito nalang ang hindi ko pa nagagawa. di bale may tatlong buwan pa
ang punto ko dito, ang twenties kasi ang dabest times para gawin ang mga to. time ng self discovery, time ng bagong simula, time na pwedeng gawing excuse ang ‘bata pa kasi ako’. pag thirties kasi iba na ang pananaw ko. kelangan pag thirties more on making an impact to others na. kaya dapat handang handa ka na, at totoong ‘been there done that’ ka na nga. ang listahang yan ay para makagawa ng mga alaalang babaunin mo pagtanda, mga alaalang huhubog sa yong pagkatao, mga alaalang ikaw ang pumili.
ilang buwan nalang mag te-trenta na ko, waw ang bilis talaga ng panahon. five years na pala ang nakalipas nung sinimulan kong gawin ang mga yan. medyo natagalan ako sa iba, yung iba naman, parang nahatsing lang ako sa bilis hehe. pero lahat yun, wala ako regrets. karamihan ng mga kaibigan kong kausap nun, medyo malayu-layo narin narating. pero malamang hindi nila alam, sineryoso ko yung listahan.
mamimiss ko ang twenties. kung ginawa mang exam ang panahon na yun, proud akong sisigaw na ‘i passed it with flying colors’.




nagawa ko na halos lahat except #8. 0.5 ako sa #10 kasi medyo marunong ako ng jap. hehe.
hernan said this on April 21st, 2009 at 7:49 am
joey!!! ang galing neto ah.
kopyahin ko. 30 na rin ako soon.
nyss said this on April 21st, 2009 at 8:22 am
Hmm, #3 na lang ang kulang. But not too keen to complete that. Low profile lang.
tala said this on April 21st, 2009 at 9:51 am
hernan, haha walang 0.5! parang iyo narin yun
nyss, mukhang weeks lang pagitan ng bday natin. musta listahan mo? hehe
jobarclix said this on April 21st, 2009 at 9:53 am
tala, haha sabi ko nga trip trip lang yan. pang small talk.
jobarclix said this on April 21st, 2009 at 9:55 am
naku nakakapressure.kelangan na gumawa ng list of things i must do in my 30s.less than one year na lang for my “learn a foreign language” item at nasa disc 2 out of 5 pa lang ako sa french.yes to “travel alone.”dapat magawa ‘to ng laht ng nasa 20s
golda said this on April 21st, 2009 at 10:22 am
hmm… wala yata akong ganitong list. buti na lang next year pa ko magiging 3-0. may time pa! hehehe.
Trebs said this on April 21st, 2009 at 3:52 pm
so this is the list you told us about… now that i was able to completely read it na, i am super convinced to make my own list pod, hehe! thanks for sharing joe!
karen said this on April 21st, 2009 at 4:53 pm
nice joey
rose said this on April 21st, 2009 at 6:33 pm
golda, wala pa ko list of things to do sa 30’s. hmm. ok na kaya yung gumulong sa pera? hehe waw french foreign language mo. kaya ko kaya yun in 3 mths
trebs, ah talaga promil kid ka din? tsk tsk pero sa isip trenta na kayo huy..
karen, sige na, simulan nyo na habang may two years pa kayo
rose, asan na listahan mo? kumpleto ka na yata eh.
jobarclix said this on April 21st, 2009 at 8:16 pm
naku maya’t maya bucket list na ginagawa natin
olrayt said this on April 21st, 2009 at 9:18 pm
may 30 days pa ko before turning 30 hehehehe
na-inspire naman akong mang-heart break! hahahahah
right nga pala naman talaga yun hehe
mae said this on April 21st, 2009 at 9:21 pm
logs, mukhang dun na nga to lahat papunta
mae, waw. inspired mang heartbreak. haha mukhang yun nalang ang hindi pa nagagawa ah.
jobarclix said this on April 21st, 2009 at 10:35 pm
number 1, yah i agree, been there, done that, masaya!, number 2, langya ka russian ba kamo?hehe kaw nlng po, number 3, ay naku! extra ba un kamo? d nga kita nakita agad eh! fish dude.., number 4 check! can!..number 5 tumbling ako! inlababoo ako naun eh naks!, number 6 amen dude! pakshet kaung mga lalaki kau! kaya lang mganda na sna, gnawa mo lang lab song ang oops i did it again haha!, number 7 langya ka tlga jobar ayot!, number 8 d ako driver pero i could relate, number 9 brings back memries dude! i miss sg tuloy..number 10, ganda nga nun mkaka pag mura ka ng hindi naiintindhan ng iba hehe NWAYS I LOOOOVE THIS ARTICLE DUDE, SO FAR ONE OF THE BEST TOH! KEEP IT UP AND KEEP SHARING KASI MARAMI KANG MATUTULONGAN KHIT SA PARAAN NA TOH… I’M PROUD OF YOU DONG!
bebang said this on April 21st, 2009 at 11:04 pm
hmmmm… magandang idea yang list na yan dude..
nuninuninu…
jamal said this on April 21st, 2009 at 11:12 pm
bebang, matud pa sa akong amiga na beauty queen na namatyan ug isda, makahilak man sad tag colored.. hahaha bitaw uy wala may sayop kung himo kag own list then fulfill it diba? mukhang anagwa mo na lahat sa listahan ko ah! tambay lang pirmi bang. balik diri ba. padayon sa gibati. salamats kaayo!
jamal, magandang simulan na ngayon hehe
jobarclix said this on April 21st, 2009 at 11:27 pm
based dun sa Kuala Lumpur mo na entry, nakagawa ako bigla ng list to do before or when I am 30
based on your list naman,items 1, 2, 3 & 8 malabo. masubukan yang russian novel hehehe. the rest? DONE! i have a few words in Norwegian na
i always look forward to your new blogs entries, keep it up! otherwise, i’ll be sending you a message again if there are no new entries
Milbrey said this on April 21st, 2009 at 11:43 pm
1. domestic yes abroad hindi pa. next year dude graduate na ako kaya hntayin mo ako dyan

2. I hate reading novels pero i really forced myself reading Harry potter series. – In the name of love-
3. Movie – Hanggang ngayon nasa station ko pa rin yung premier ticket. Best Supporting tayo sa One More Chance
4. Cguro counted rito college days ko. Member kasi ako ng SC
5. Hindi pa ata eto nangyayari. Malamang hindi ko lang alam
6. Break someone’s heart – hmm ikaw ung nag-advice sa akin bago ko ginawa to
7. Hmmm… Saksi ang UP lagoon, SM North Cinema 2, Volkswagen, at marami pa. Diba nasaksihan mo pa yung isa. hehehehe
8. Hnd pa ako nakabili pero kaya yan
9. Kadalasan hindi ako ung lasing. Ako lang naman ang driver ng mga sobrang lasing na. Kagaya mo. hehehe
10.Wala pa eto.- Sana kung nagpatuloy ako, marunong na sana ako ng Arabic
mukhang pasado naman ako dude sa list na eto. Pero mas interesado na ako sa list from 30 – 40. una rito ang get married and multiply
addy said this on April 21st, 2009 at 11:49 pm
milbrey, ang 1 pwede mo pa gawin jan. take a train travel alone for half a day. take pictures. yung 2, sus, all you need is one month to finish dostoevsky hehe. number 3, hmmmm and 8, nyak. senseless dito… kayo lang yata ang readers na nag eemail pag walang update!
jobarclix said this on April 22nd, 2009 at 12:17 am
addy, 1.hahaha oo by dito ang convention ng katipunan 2.simulan mo sa mondomanila ni norman wilwayco ang pagbabasa 3.hahahaha unforgettable once more chance. ikaw extra in a leading role hahaha 5.hahaha no comment 6.mas lalong no comment. 7.mas pinaka no comment bwahahaha 8.sus sandali lang yan 9.by, sa puntong yan, malaki utang na loob ko sa yo hehe 10.e di basa ka lang ng kuran! di ko pa naisip pano ang list ng 30-40 eh. uunahin ko siguro humiga sa pera. tapos makita ang totoong santorini greece hehe
tambay lang pirmi diri by. pakisabi sa katipunan wag mawalan ng pag asa
jobarclix said this on April 22nd, 2009 at 12:33 am
joey, naka travel na pala ako alone, to a nearby island from my apartment here in Norway. around 2 min by ferry. counted ba yun? hehehe. ang number 8, kelangan pag-ipunan yan hehehe. but 1st i must learn how to drive. i’ll add that to my list na.
Milbrey said this on April 22nd, 2009 at 2:21 am
yey almost done na pala ako sa things to do before 30 list mo… redhorse na to! sa number 1, lagi naman ako magisa (wala kasi gusto sumama). 39% done on number 2. appeared in local radio and paper. (pero di pa ata wild as i believe wild should be, at wala pa ding kotse… and 1year to go)
arcibald said this on April 22nd, 2009 at 9:13 am
joey, i agree with what you said about travelling alone..daghan ka ma learn..especially if mapareha nako na nabiyaan sa plane hehehhe..from atlanta to new york, hahhahah!!!
bitaw, daghan moments na makalugar ka ug reflect about life
wa pa ko sa number 8, murag layo pa ko ana, first step pa lang ko, learning to drive
i’m thinking of learning spanish and italian..and french too…i’m running out of time!! waaaaaaaaahhhh!!!
shing said this on April 22nd, 2009 at 3:08 pm
joey, lingawa aning imong listahan uy….naguol na man nuon ko kay hapit na ko 30…hehehehe…pero tinuod jud ni imong gisulat, nagproblema na nuon ko kay murag daghan pa kog wa nahimo…sige lang, dugay pang february…hehehe… i like number 8 joe…char kaayo ang metaphors of life and driving…very nice…ug tagaan kog brand new, di ko mudawat kay ingon si joey climaco, dapat second hand jud…hahaahaha
seoul said this on April 22nd, 2009 at 3:33 pm
milbrey, 2 minutes by ferry? so mga 1 minute on foot lang. pwede na yan, dalawa palang kayo kilala kong nakapunta na ng norway.
arci! hahaha bakit ba ang hihilig nyo sa percentage? yes or no lang yan walang daya! langya ka, may 39% pang estimate.
docshing, i wouldnt advice na magpa biya ug plane labi na abroad hahaha kulba sad ka trip da. sa languages, you have 2 months to learn all three haha
seoul, seoul, kung hinatag ang brand new, kuhaa uy! bayari lang piso. yup daghan gyud kaayo ko reflections about driving and life. isulat ra nako diri one time. hala sige lihok na, naa pa ka pila ka months.
jobarclix said this on April 22nd, 2009 at 10:02 pm
very nice post! i love it!!!!!
joshmarie said this on April 23rd, 2009 at 3:39 pm
joshmarie, salamats. tambay lang lagi ha.
jobarclix said this on April 23rd, 2009 at 9:49 pm
This is cool! Was going to write something like this but i got intimidated… haha
Alias koh said this on October 6th, 2009 at 5:04 pm