computerized elections, con-ass at european parliament
may nanalo narin sa wakas sa masusing bidding ng comelec para sa computerization ng elections. nyak ang baduy pakinggan, computerization. ngayon pa, eh halos lahat na ng bansa sa buong mundo nung 90’s pa ginagawa yan. better late than never. leader pa naman tayo sa BPO. aprub din ako sa bidding process at sa mahaba-habang testing. although dapat sa test labs umaabot ng ilang buwan. pero malamang konti nalang bugs nung nanalo kasi ginamit na sila for elections sa ibang bansa. hahay sa wakas.
kaya hindi ko maintindihan yung con-ass. etong computerization inabot ng ilang buwan na pinag usapan. tapos itong con-ass na basis na ng pagiging bansa natin ang hahalukayin, minagic ng isang gabi? sige patawad, mga one week habang tuliro lahat kay katrina. kung tatanungin ako, pro con-ass ako eh, pero dun lang sa ammendments na makakatulong sa economiya ng bansa. itong HR1109 kasi lahat na. parang nag inuman lang sila isang gabi tapos naisipang mag con ass kinaumagahan. ano nga pa ba hihintayin? election? eh mahihirapan na silang mandaya. waw. rally rally. wag tayo papayag. kelangan magpaliwanag!
nagkaroon ng election ng european parliament this week lang. bawat member state sa european union meron allotted seats sa parliament body na to. gagawa sila ng umbrella laws para sa buong european union, tapos bawat member magkakaroon ng kanilang sariling version na ipapasa sa sarili nilang parliament. parang ganun. voter turnout was at the lowest since it began. 43%. tsk tsk. these people are taking democracy for granted. o baka naman sobrang ayus na ng buhay nila. taena. palit nalang tayo ng bersyon ng demokrasya!




Leave a Reply