30 to 30
saktong isang buwan nalang trenta na ko. waw. pero hindi big deal sa kin yung pagiging 30, hindi tulad ng iba kong kakilala na parang end of the world na. lalo dun sa isa kasi trenta na sya at virgin parin. hehe. sus. ang trenta, bagong simula ng lahat. excited na nga ko eh. sigurado mas maraming life-changing moments sa dekada na to.
matagal ko ng trip ang icelebrate ang bday ko na parang rockstar. kadalasan, one week ang celebration ko nyan. parang sharon cuneta birthday week special. hehe. walang basagan ng trip. matagal ko na pangarap na kumanta sa eat bulaga o asap sa bday ko tapos biglang may lalabas sa likod at magugulat ako at hindi ko na matatapos ang kanta hehe
pero hindi naman tayo rockstar at matagal ko na alam yan. kaya dito nalang sa blog ko tayo mag celebrate. at dahil trenta na ko this year, gagawin ko syang birth-month celebration. parang pasko. hehe. isang buong season.
gusto ko sa bday ko, lahat tayo mag celebrate. mag inuman tayo lahat sabay-sabay, kahit saan man kayo sa mundo. kung hindi man kayo umiinom, gawin nyong rason ang bday ko para mag celebrate. magluto kayo. magpicture. mag videoke. trip lang. para masaya. para kahit isang araw lahat tayong tambay dito sa blog ko ay nagkakaisa at parang nasa isang malaking venue lang. kasing laki ng earth. mga ganun. isang malaking tagay para sa lahat ng kwento, isa pa para sa mga luha, at isa pa para sa lahat ng tawanan.
gagawa ako ng thirty days countdown mula ngayon. mag kukwento akong paonti onti ng mga dibdibans na bagay. tulad ng kelan ako unang bumili ng 8 oz na coke. para lalong magka kilanlan tayong lahat. tapos kwentuhan nyo narin ako sa experience nyo. trip trip lang. para pagdating ng bday ko, marami tayong mapag uusapan. hehe. game? game!
isang pale muna to 30 days to 30, and beyond!
check out the 30 to 30 blog entries here: http://jobarclix.com/archives/category/30-t0-30/




game.. ano na kwento mo boss?!
sixdigit said this on June 23rd, 2009 at 4:19 pm
kit! ano na? ay oo ng apala ipopost ko yung event dito.. teka
jobarclix said this on June 23rd, 2009 at 11:12 pm
may category ba ang mga kwento? bashtush ba? hehehee… musta na.. advance happy berdie… para masimulan na ang bday mo.
jamal said this on June 24th, 2009 at 10:02 pm
masta jams, walang category yan. basta masarap pamulutan sa inuman hehe
jobarclix said this on June 24th, 2009 at 10:43 pm
Wow showbiz! =P
markku said this on June 25th, 2009 at 1:50 am
markku, walay lingaw by
jobarclix said this on June 26th, 2009 at 1:16 am