30 to 30, day 1. karaoke.
medyo malawak ang influences ko sa mga kanta. mula sa singsongs ng simon and garfunkel, to joni mitchell, to the beatles, hanggang sa air supply ng 80’s, menudo, lionel richie, hanngang sa nirvana at alanis nung 90’s. pati backstreetboys at britney.
ang pinaka mahalagang basis ko ng pagpili ng mga gusto kong kanta ay ang lyrics. kelangan swak ang lyrics. yung huling-huli ang damdamin at ang gustong sabihin. natutuwa ako sa hiwaga ng talinghaga, at tumatambling ako sa lakas tama ng mga confessions. gusto ko rin yung lyrics na pwedeng pang small talk. and speaking of lyrics, san pa nga ba tayo magsisimula nyan, kundi sa karaoke.
lumaki ako sa karaoke, yung mga binebenta ng vicor at alpha records nun na merong 4 tapes bawat set at may kasamang lyrics na nakasulat sa isang libro. grade one palang ako kabisado ko na ang hotel california, na kasunod ng temple of the king sa karaoke. pati narin ang father and son, morning has broken, puff the magic dragon, rythm of the falling rain, jamaican farewell, wonderful tonight, at caravan. at dahil karaoke, hindi ko kilala kung sino ang kumanta ng mga yan. tapos nahilig yung tatay ko sa ray conniff singers at barry manilow. may minus one kami. dun ko unang narinig ang i say a little prayer for you kay ray conniff. tsaka syempre ang walang kamatayang i write the songs, copacabana at mandy. kapag binigla nyo ko at pinaka kanta ng mga yan, magsisisi kayo. kabisado ko pa lahat. yata. hehe.
tapos nandyan ang standards. engelbert humperdink. tom jones. matt monro. frank sinatra. at yung mga gusto kong beat ng folk rock and country nina kenny rogers, pati nga si dolly parton. my way. il mondo. green green grass of home. delilah. the gambler. kung mapadpad man kayo sa ilang remote areas sa southern leyte, agusan del sur or bohol, malaking chance maririnig nyo pa ang mga standards na yan na pinapatugtog sa karaoke na kaharap ng bigasan.
tapos di pahuhuli syempre ang opm classics. marami siguro nagtataka kung bakit fans club ako ni sharon cuneta. ang hindi nyo alam, si sharon kasi ang soundtrack queen nung araw. at meron kaming karaoke ng mga hits nya na ginawa nila rey valera, george canseco at willy cruz. nung kinakanta ko yun, hindi ko pa alam ang itsura ni sharon. isabay mo narin ang mga kanta nila freddie aguilar, basil valdez, anthony castelo at nonoy zuniga. hehe. oo kabisado ko rin lahat yan. araw araw yun ang gawain namin sa bahay, mag iinuman ang mga uncle ko at kakanta ng mga yan.
tapos minsan umuwi ang uncle ko galing saudi. may dalang sangkatutak na cassette tapes! nagdatingan ang air supply, menudo, scorpions, at yung mga slow rock na heavy on guitar solos. ang problema ko lang sa mga tapes na yun, walang lyrics sheet! dito ngayon nasubukan ang listening skills ko. awa ng dyos nakuha ko naman. at nakasabay naman ako sa mga birit ng air supply. nalito rin ako kung babae ba o lalaki ang menudo. at hindi ko alam ang itsura ng scorpions. ang nakalagay kasi sa tape cover ng uncle ko, “stolen from …”
ang laking bagay ng transition mula sa karaoke to real music sa akin. yung karaoke songs kasi, kadalasan, limited yung range ng sound. parang midi. parang isang octave lang sa doremi. nung marinig ko na ang orig copies ng air supply, nawasak ako sa quality nung sound. yung buong-buo. lalo na dun sa mga kantang slow rock na hindi ko na matandaan ang title. yung pino ng guitar solos, at yung mga parang hinagod na paos ang boses ng mga singer. ang naalala kong malaking difference nun, yung guitar solo sa wonderful tonight ng karaoke versus yung actual recording ni eric clapton. kitang kita ang pagkakaiba.
nung late 80’s nagsimula ng sumikat ang videoke, at naging mas accessible narin ang mass media, lalo sa aming mga taga surigao. nagkaroon na ko ng exposure to other forms of music, at unti-unti na kong nawawalan ng panahon sa karaoke. pati sila papa nun at mga uncle ko, nag iba narin ng preference. mas masarap nga naman kumanta na may pinapanood at binabasa nalang ang lyrics sa tv. dun na ko natigil sa karaoke. ang isang di ko malimutan nun, yung amoy at lasa ng micropono. ang lakas ng singaw ng pagkasolda ng mga electronics sa loob. bukod pa sa mga naipong laway na tumalsik dun.
tulad siguro ng karamihan sa atin, sa karaoke rin ako natutong magbasa ng mabilis at mag pronounce ng maayos. syempre para maka sabay sa beat ng kanta. wala naman ako paki sa lyrics pa nun, ang mahalaga, yung makuha ko ng tama ang tono at maganda sa pandinig.
sa pagbabalik tanaw, nagpapasalamat ako at naadik ako sa karaoke nun. dun ko unang narinig ang boses ko, at dun ko rin unang narinig ang kwento ng iba, na kinwento ko gamit ang boses ko. ngayon ko lang naisip ang halaga ng ginagawa ko nun. na sa pagpupumilit kong kabisaduhin ang bawat lyrics at ikanta ng maayos, nirerespeto ko na pala at pinapahalagahan ang kwento ng iba. maging si puff the magic dragon man yan, o si lola ng copacabana.
——-
30 to 30, day 1.




the jets na multiplex.pwedeng sabayan ang tunay na singer, pwede ka rin magsolo.panalo.
golda said this on June 23rd, 2009 at 8:16 pm
golda, haha multiplex kid ka din!
jobarclix said this on June 23rd, 2009 at 11:13 pm