joni mitchell, simon and garfunkel, and the beatles
fans club ako ni joni mitchell. panalo yung circle game, a case of you, both sides now, river, at big yellow taxi. yung both sides now, meron version si sharon cuneta, ginamit na soundtrack sa pelikula nila ni juday na magkapatid. yung river, meron version si robert downey jr na kinanta nya sa ally mcbeal. yung big yellow taxi, may version ang counting crows at si vanessa carlton. nasa rotation din yun sa got til it’s gone ni janet jackson.
fans club din ako ng simon ang garfunkel. paborito ko yung scarborough fair dahil sa naglista sya ng herbs at may kasamang thyme. haha. tsaka bridge over troubled waters. wake up little suzy. sound of silence na laging bida sa mga interpretative dance. at ang all time favorite song ko, yung the boxer. soundtrack yan ng scorpio nights 1. tsaka yan ang paboritong tinutugtog ng tatay ko sa gitara nun. akala ko ginagago nya ko kasi paulit ulit lang lyrics. lie la lie. repeat 100 times. nung tumanda na ko na gets ko din kung bakit kelangan 100 times. sa sobrang tindi ng kwento nya kelangan ulit ulitin para mahimasmasan ang mga kumukulong damdamin.
fans club din ako ng beatles. sus. pag uusapan pa ba natin sila. hey jude ang una kong natutunan tugtugin sa gitara. kasabay ng lahat ng kabatch ko sa high school.
ito yung mga kantang kahit ulit ulitin hindi ako magsasawa. lagi akong nata-time space warp dun sa panahon na wala akong ibang pinoproblema kundi paano pakintabin ang sahig namin.
———
30 to 30, day 2.




amen!
arcibald said this on June 24th, 2009 at 8:45 am
now you’re giving me a reason to check your blog everyday. panalo ang last line.
t0ni said this on June 24th, 2009 at 9:12 am
yan din yung ilan sa mga paborito kong kanta/banda. tingin ko dahil yan yung mga uso nung panahon ng mga tatay at nanay natin. kaya hindi mapigilan na maipamana sa atin.
hernan said this on June 24th, 2009 at 10:06 pm
arci, tagay!
toni, ouy salamat! tambay lang.
hernan, swak ka jan. influence lang yan ng previous generation. kaya nga narerecycle ang lahat, pinaka evidence neto yung fashion. umuulit ang uso. ganun din ang music. nabubuhay ulit, nirerevive.
jobarclix said this on June 24th, 2009 at 10:47 pm
oist tagal nako di nakakabasa ng blog mo! hehe
a case of you may version si diana krall, nakakaiyak. favorite ko rin ung cherokee louis ni joni. garfunkel, nakaka adik lalo na dahil sa movie na the graduate hehe
dude panoorin mo across the universe na musical! or napanood mo na ata hehe
drei said this on July 17th, 2009 at 3:54 pm
drei, hanapin ko yang diana krall.. at di ko pa napanood yung across the universe waaah takot magdownload dito eh
jobarclix said this on July 28th, 2009 at 12:40 am