francism, eheads, nirvana, bandtrip!
soundtrack ko sina andrew e at francisM nung nag transition ako mula grade school to high school. ito ang kauna-unahang time nana expose ako sa music na walang influence ninoman. sa eat bulaga ko yata unang narinig ang mga to, tapos nauso sa school. lalo na yung mga kababayan na ginawang interpretative dance. sa andrew ford medina ko unang narinig ang san lorenzo vill. nung napunta ako dun nung mga bandang 2006 dahil may event kami sa assumption makati, laglag parin baba ko dahil sa wakas napuntahan ko ang isang venue ng mga parties ni andrew e.
bonjovi naman at bryan adams ang sumalubong sa kin pagdating sa manila nung nag high school ako. sinabayan to ng mga birit ni mariah carey at ang akala no nuon pinaka cool na yung kumanta ng dying inside. pero syempre hindi pala. kasi anjan pa sila boyz to men, michael learns to rock (na nasusuka ako pag naalala ko yung 25 minutes sinayaw namin ng steps ng raga muffin girl taena), rick price at ang walang kamatayang heaven knows, at yung mga kantang pang prom nung 90’s. see list here.
habang nasa dorm naman, halo-halo ang trip ng mga tao nun. masarap mag soundtrip sa dorm. pumasyal ka lang sa hallway pabalik-balik, para ka ng naghahanap ng station sa radyo. bawat kwarto iba ang timpla. yung dorm manager namin laging nagpapatugtog nung lemon tree very pretty! and the lemon flower is sweet. but the fruit of the poor lemon is impossible to eat! every morning yan takte. si jansen wasak na wasak sa air supply at chicago kaya nakabisado ko. si kiven mahilig sa 100% ng erasure at lahat ng sinasayaw ng UMD(universal motion dancers. oo yung grupo ni wowie hehe). nakabisado ko rin. si sherwin naman mahilig kay agot isidro.
tapos dumating ang pare ko ng eraserheads. at nagpakamatay si kurt cobain.
nakabisado ko ang unang tatlong album ng eheads. pati unang dalawang album ng rivermaya. soundtrack din namin nun ang mga album ng yano, the youth, rockstar2, alamid, color it red, teeth, siakol, grin department, rizal underground, true faith, after image, introvoys, side A at marami pang iba. si inciong kumpleto ng albums nyan. si markku kabisado pa yata lahat ng after image. isabay mo narin ang FOJ at DV8. akala pa nga namin nun cool si april boy. every week kami may songhits para lang subaybayan ang movement ng top ten sa mga countdowns.
pero tuwing nauuwi ako sa surigao pag school break, meron akong kakaibang exposure. yung town kasi namin karamihan ng mga tao sa cebu nag-aaral ng college. ang maganda sa cebu, may sarili silang music scene na ibang iba sa manila. sa mga taga cebu ako nakarinig ng mga kantang swak din sa akin nun. alternative ang tawag nun, ngayon kasi classic na. hehe.
nahilig ako sa “alternative” kasi na-curious ako sa buhay ni kurt cobain, kung bakit sya nagpakamatay. sinumulan ko sa dala ng kuya ko (na nag aral sa up cebu) na nirvana: unplugged in new york. tapos yung august and everything ng counting crows, at yung collection nya ng dave matthews. tapos narinig ko na marcy playground, the refreshments, bush, silverchair, popsicle, suede at marami pang iba na nalimutan ko na ang pangalan. karamihan neto pinapatugtog sa friendly channel sa kitkit radio, oo, yung radyong issue noon sa mga konsehal at brgy kagawad, na ginagamit din ng sekyu.
tapos dumating na ang mtv at ang heavy airplay ng mga bandang no doubt, pearl jam, gin blossoms, goo goo dolls, oasis, blur, matchbox20, green day, at yung all time favorite soundtrack ko yung reality bites ost.
tuloy-tuloy ang ligaya ko sa pakikinig sa guitar-driven music ng mga bandang yun, both foreign at local. parang naging kanin sa pandinig ko. ang ulam ko nyan ay mga pagsulpot nila britney spears, backstreetboys, nsync at celine dion.
hahay. those were the days.
natutuwa parin ako pag pinapakinggan ko ngayon ang music o “sounds” nung 90’s. pano ko naman makakalimutan ang mga yan, soundtrack yan ng pag-usbong ko sa kamalayan.
waw. ang sarap tuloy mag soundtrip. teka.
———
30 to 30, day 3.




Leave a Reply